Skip to main content

Kilalanin ang isa sa Haligi ng Sining Visual sa Tanay



Marahil ang ilan sa inyo ay nakakakilala kay Dionisio Pagalunan bilang isa sa matandang Pintor sa Bayan ng Tanay. ngunit alam nyo ba na, isa pala siya sa limang orihinal na founders ng Tanay Artist Group? 
Kinabibilangan nila Mart Catolos, Nestor Villarosa, Tam Austria at Cris Agno at syempre si Mang Dionisio. Sila ang nagbigay ng pangalan at nagsimula ng Grupong Sining Visual sa Bayan ng Tanay, Base ito sa kwento at mga lumang larawan na pinakita nya sa amin.

Litrato mula sa kanyang lumang Album.
Isang Exhibit na kanilang dinaluhan noong taong 1980's
Ngunit dahil sa tagal narin ng panahon dalawa sa limang kasama nila ay namayapa na at ang natitirang dalawa ay hindi na nakatira sa bayan ng Tanay, tanging si Mang Dionisio nalang ang nanatiling nakatira sa bayan ng Tanay.

Si Dionisio Pagalunan ay Isa rin palang commercial model noong araw na lumabas sa ilang pahayagan at bukod dito ilang beses narin pala nalathala ang kanyang mga Obra.




Kakaiba ang kanyang pagguhit dahil pati ang ilang kwento mula sa Biblia ay nagawan nya ng Obra.



Bukod dito napansin din namin na halos lahat ng kanyang obra ay puro magagandang tanawin na sa Tanay mulang makikita.






May kakaibang Obra din si Mang Dionisio na may kinalaman sa mga lumang lugar sa Bayan ng Tanay na binase nya sa kwento ng matatanda noong araw at base narin sa ilang aklat na may kinalaman sa bayan ng Tanay.


Lumang "Sala" sa Brgy. Wawa

Hitsura ng Sinaunang Tulay ng Tanay sa Brgy. Plaza Aldea

 
Ito ang isa sa kanyang Obra na featured sa Tanay 400 years, Celebration Calendar.
Makikita dito ang Tanay Catholic Church na ginagawa palang.

Tanay 300 YEARS Book at ang Obra ni Mang Dioni.

Ayon kay Mang Dioni, Bago nya iguhit ito nagtanong-tanong muna sya sa matatanda noong araw at kinuha rin nya ang detalye kung paano isinagawa ang paggawa ng simbahan sa Tanay Tercentenary na aklat.




Si Mang Dioni kasama ang kanyang ilang Obra.

Samantala inamin ni Mang Dioni sa Balitang Hane na nalulungkot din sya dahil ang karamihan ay na-aalala nalang siya bilang matandang pintor sa Tanay, hindi bilang isa sa nagtatag ng Tanay Artist Group.

Mangyari na kaya ang hiling ni Mang Dioni?

Para po sa mga gustong tumingin sa Obra ni Mang Dioni o nais bumili o magpagawa, maari po syang puntahan sa kanyang tahanan sa may kalsadang Paakyat Tanay Ville.

Tahanan ni Mang Dioni.
kalsada paakyat ng Tanay Ville.

Popular Posts

Alamin ang Regina Rica sa Tanay, Rizal

Ang Regina Rica ay isa sa mga bagong landmark sa Baranggay Sampaloc, Tanay Rizal sa pagpasok mo palang sa Regina Rica agad mo agad mapapansin ang kakahuyan na talaga naman maganda at kaakit akit. Balitang HaneTV sa Regina Rica Halos kada araw ay may mga bumibisita sa Regina Rica. ngunit Iilan palang mga taga tanay ang nakakaalam ng lugar na ito pero dinarayo na ito ng mga taga ibang lugar dahil sa pagiging sagrado at tahimik ng lugar na ito.  Bukas ang regina rica Mula Miyerkules hanggang lunes alas otso ng umaga hanggang ala sais ng gabi sa publiko . Hindi ito resort o picnic ground dahil ito ay Prayer place, ecological sanctuary at isang wellness environment. Isa sa mga landmark dito ay ang malaking poon, na sinimulang gawin noong October 7, 2009 at na basbasan noong March 19, 2010. Lalong Dumarami ang bumibisita dito para magdasal dahil narin sa papalapit na mahal na araw.  Napaka sagrado ng lugar na ito kaya naman pinagbabawal dito ang manig

Ang misteryo sa Calinawan Cave

Ang Calinawan Cave ay matatagpuan sa kabundukan ng Tanay,Rizal at ito ang isa sa pinagmamalaking likas na yaman ng Bayan ng Tanay.  Nakilala ang Calinawan Cave dahil dito madalas ginaganap or pinag sho-shootingan ng mga sikat na pelikula at palabas sa telebisyon. Lingid sa kaalaman ng Iba...Balot ng Misteryo ang kwebang ito. Iisa ang papasukan mong daan kung ikaw ay pupunta sa Calinawan Cave na patungo din sa Daranak Falls. Lubak ang kalsadang papunta sa kweba pero bago ka makapunta sa kweba agad kang babatiin ng magandang tanawin na tunay na sa Tanay lang makikita. Nagpunta ang BalitangHane sa Calinawan Cave.. pero kung kayo ay pupunta dito kailangan nyong magsabi muna kaya "Lola Tale" na nakatira sa tabi ng kalsada malapit sa kweba, dahil kailangan nyong magbigay alam sa kanila na gusto nyong pumasok dahil sila ang namamahala ng kweba.. pwede nyo rin silang rentahan as a Tour Guide para may matutunan din kayo tungkol sa kweba habang nasa loob nito. Pumunta lang k

Tanay most hated Person: Dennis Garcia

Dalawang taon na ang nakakaraan ng kumalat ang istorya tungkol sa Psycho Killer/Rapist na si Dennis Garcia. Tumatak sa mga taga tanay ang pangalang Dennis Garcia at nagdulot ito ng takot sa bawat mamamayan. Ayon sa Rizal PNP si Dennis Garcia ang suspect sa pagpatay sa isang 19 year old na si Kennely Calisura na taga Sampaloc, Tanay Rizal.(2007) Ayon sa mga nagkalat na tsismis that time..gumagala daw sya pag gabi at kumakatok sa ilang bahay sa bayan at paghindi pinagbuksan eh papasukin nya ito ng pwersahan at papatayin ang mga nakatira dito. May mga Istorya din na pumapatay din daw ito ng mga bading,tomboy,lalaki at babae sa kalsada kaya naman nawala ang mga tambay sa kanto at bihira narin ang gumagala pag gabi ex Military daw ito kaya naman walang makatalo dito at black belter pa daw. Nagsalin salin ang kwento at nadagdagan ng mga nakakatakot na istorya na umiikot sa buong bayan isama pa ang nagkalat na poster nito sa bawat school at kalsada. Kaya naman sikat na sikat ang